Ka-PC Nolour,
Salamat sa ipinadala mong katanungan. Alam mo, pareho tayo ng pinagdaanan noong nagsisimula palang ako sa aking PC business. Akala ko nga hindi na ako aasenso kasi very challenging makipag-usap and build relationships lalo na kapag mahiyain. Pero may na-realize ako, when you start talking to your customers and recruits, just smile!
Ang pagngiti ay very powerful because it makes you feel and look good! Hindi ba kapag nginingitian tayo ng kausap natin, mas gumagaan ang loob natin? Ganoon din sa recruitment at selling. It will help if you smile, ka-PC! It will boost your confidence for sure!
Malaking bagay rin if you come prepared, alam na alam mo ang PC business at mga produktong ibinebenta. Kapag alam mo sa sarili mong handa ka sa kahit ano pang katanungan ng prospect mo, bakit ka pa kakabahan ‘di ba?
You can also include some fun activities during recruitment and selling para mas maging kumportable ka at iyong prospect. Mas ma-e-engganyo mo pa sila to sign up or buy!
Good luck sa’yo, ka-PC Nolour! Hangad ko ang tagumpay mo!
May tanong ka ba o tips na kailangan para sa negosyo? Send a message to our official Facebook page @PCDSIOfficial with your name and branch. Sasagutin ‘yan ni Mace, may chance ka pa to get featured sa susunod na Heart-to-Heart with Mace!