Ang direct selling ay isang popular na paraan ng pagnenegosyo para sa mga naghahanap ng madaling pagkakakitaan. Sa direct selling, magbebenta ka lamang ng mga produkto o serbisyo nang personal sa iyong mga customer. Ang mga negosyanteng tulad mo ay dapat maging aktibo sa pag-aalok ng inyong mga produkto sa sariling pamamaraan at diskarte tulad ng house-to-house visits, online selling, at iba pa.
Ang Personal Collection Direct Selling, Inc. ay isang authorized member ng Direct Selling Association of the Philippines (DSAP). Nagsimula ang Personal Collection nuong 2003 at ngayon ay may mahigit nang isang daang produktong panlinis ng bahay, panlaba, personal care, baby care, at marami pang iba. Lahat ng world-class products na ito ay binibenta ng mga libu-libong daang libong PC dealers sa buong Pilipinas.
Kaya kung interesado kang magsimula ng direct selling business, mag-register na bilang PC dealer!
Narito ang detalyadong impormasyon na gagabay sa bawat hakbang ng iyong bagong PC direct selling business.
Step 1: Pumili ng produktong gusto mo.
Una sa lahat, kailangan mong pumili ng produktong iyong ibebenta. Mahalaga na ang bawat produkto ay may mataas na kalidad at mataas na demand sa merkado. Upang mas mapadali ang iyong pagpili, isagawa ang mga sumusunod na hakbang:
1. Gamitin ang produkto.
Pumili ng produktong personal mong nasubukan at naniniwala ka sa galing nito.
Mas madaling ibenta ang produkto kung ikaw mismo ay convinced na ito ay maganda.
Ang Personal Collection ay nagbibigay ng hanggang 25% discount sa bawat authorized dealer kaya maaari mong subukan muna ang mga produkto bago ibenta. At siguradong magugustuhan mo ang PC products!
2. Ibida ang mga produkto.
Dahil nasubukan mo na ang mga PC products, madaling ibida ang mga ito. Masisiguro mo sa iyong mga prospective customers na ang PC products ay may superior quality! Pwede mo ring sabihin na ikaw mismo ang magde-deliver sa kanila ng orders nila nang maramdaman nila ang special service na bahagi ng PC experience.
3. Alamin ang demand.
Tukuyin ang demand para sa produkto o serbisyong nais mong ialok. Mas madali itong maibebenta kung ito ay in-demand sa target market. Ang PC products ay essentials kaya siguradong in-demand ang mga ito sa market. Tulad na lang ng Tuff Dishwashing Liquid, Check Antibacterial Soap, at White Dove Baby Diapers, na araw-araw ginagamit kaya madaling ibenta.
Step 2: Pag-aralan ang Target Market.
Para maging matagumpay ang iyong negosyo, mahalaga na maunawaan mo ang iyong target market o ang mga taong magiging pangunahing consumer ng iyong produkto. Mag-umpisa sa mga taong nasa network mo na. Tawag naming dito ay KKK – kaibigan, kamag-anak, kapitbahay, kakilala, kaklase, katrabaho, at iba pa! Narito ang mga hakbang para mas makilala mo ang mga pwede mong maging customer at i-recruit:
1.Demograpikong Impormasyon
Alamin ang edad, kasarian, estado sa buhay, at iba pang demograpikong impormasyon ng iyong target market. Halimbawa, kung homemakers ang halos lahat ng mga kaibigan mo, matutuwa silang gamitin ang mga bestselling products ng PC tulad ng sof & mmmmm fabric conditioners, Tuff Toilet Bowl Cleansers, at Alert toothpastes.
2. Pangangailangan
Tukuyin ang mga pangunahing pangangailangan ng iyong target market na pwedeng matugunan ng iyong produkto o serbisyo. Halimbawa, kung maraming nanay sa lugar mo, ialok sa kanila ang mga White Dove Baby Care products.
3. Interes
Alamin ang mga bagay na kanilang kinahihiligan o interesado sila. Malalaman mo mula rito kung paano mo sila mae-engage sa iyong mga promotional activities. Halimbawa, kapag mahilig ang mga kapitbahay mo sa mga kainan, isama mo sa iyong pameryenda ang mga healthy Revitalife Coffee at ang swabesarap Great Life Coffee.
Step 3: Planuhin ang Marketing Strategy.
Upang maipakilala at mapansin ang iyong mga produkto at maging ang iyong bagong negosyo sa iyong target market, kailangan mong magplano ng epektibong marketing strategy.
Narito ang ilang mga hakbang na dapat mong sundan:
1. Networking
Para sa mga PC dealers, ito pa rin ang pinaka-epektibong paraan para lumago ang direct selling business ninyo. Ilista mo ang mga KKKs mo. Tandaan na sila ay potential customers at recruits mo. Bigyan sila ng sample PC products na tiyak na magugustuhan nila. Ang word-of-mouth ay isa sa mga pinaka-epektibong paraan ng pag-promote.
2. Online Presence
Alam mo ba na ang hilig ng Pinoy ay tumambay sa internet? Kaya dapat mayroon kang malakas na online presence. Pwede kang gumawa ng social media accounts tulad ng Facebook at Tiktok at doon ka mag-promote at magbenta ng PC products mo.
3. Online Selling
May mga PC dealers na nagbebenta sa Tiktok, Facebook Marketplace, Lazada, at Shopee. Pwede mo ring gawin ito. Mag-live selling ka rin. Siguraduhin lang na hindi mo ibebenta ang mga PC products below the minimum customer price. Maghanda na rin ng maraming payment channels tulad ng Gcash, Paymaya, at bank transfers para madaling makapagbayad ang mga customer mo. Dapat ring maganda at maayos ang iyong packaging and delivery systems.
4. Social Media Promotion at Content Marketing
Gamitin ang social media platforms para maipakilala ang iyong produkto sa mas malawak na audience. Regular na mag-post ng updates at promos. Gumawa ng mga content na makaka-attract sa iyong target market. Maaaring ito ay mga blog post, video tutorial, o product review. Basta may kaugnayan sa iyong produkto, i-share mo!
Step 4: Tutukan ang Customer Service.
Ang magandang customer service ay isang mahalagang aspeto ng iyong negosyo. Panatilihing maganda ang relasyon mo sa iyong mga customer sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
1. Alagaan ang mga suki.
Walang tatalo talaga sa alaga at asikaso. Kumuha ng suki, alamin ang mga kailangan buwan buwan, personal mong kunin ang order nila, at balik-balikan mo sila. Huwag pabayaan ang mga customer at recruit!
2. Maging responsableng tagatangkilik.
Sagutin ang mga tanong at katanungan ng iyong mga kustomer sa tamang oras.
2. Humingi ng feedback.
Tanggapin ang mga feedback at suggestion ng iyong mga customer. Ito ay makakatulong sa iyo na mapabuti ang iyong produkto at serbisyo.
3. Prioritize after-sales service.
Siguruhing mayroon kang reliable na after-sales service para sa mga customer na may mga reklamo o problema sa produkto.
Step 5: Pag-unlad at Pagsusuri
Huwag kalimutan na regular na suriin ang iyong negosyo upang malaman kung ano ang mga aspetong dapat pang i-improve. Narito ang mga hakbang para sa pagsusuri:
1.Analytics
Kung ikaw ay nagbebenta online, gamitin ang mga analytics tools ng iyong social media o online shop upang malaman kung ano ang mga strategy na nagbibigay ng magandang resulta.
Kung personal naman ang iyong pagbebenta at pagre-recruit, suriin ang mga ginawa mo na naging effective sa sales at recruitment.
2. Customer Feedback
Bumuo ng surveys o feedback forms para malaman ang opinyon ng iyong mga kustomer sa iyong produkto at serbisyo. Pwede rin na tanungin mo mismo ang suggestions ng mga KKKs at customer mo para sa patuloy na paglago ng iyong negosyo.
3. Performance
I-monitor ang iyong sales performance at tukuyin ang mga produktong mabilis at mabagal ang benta. Regular mong i-check ang performance ng iyong mga na-recruit o mga downline at tulungan silang magbenta at mag-recruit.
4. Collection
Para mapabuti ang pagkolekta ng mga bayarin, dapat maagap ka sa mga reminders sa mga customers mo tungkol sa mga dapat bayaran. Maraming iba’t ibang paraan ng komunikasyon para magawa mo ito – text, DM, tawag, o bisita sa mga bahay nila. Magtakda ng malinaw na patakaran sa mga huli na pagbabayad. Kung ang mga customer ay hindi nagbabayad, suriin ang sitwasyon, makipag-ugnayan sa kanila nang kalmado at may respeto, at tukuyin ang mga opsyon para sa pag-aayos ng pagbabayad.
Ang mga hakbang na ito ay ang magsisilbing mahalagang gabay sa pagsimula ng iyong sariling direct selling business. Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng dedikasyon, determinasyon, at patuloy na pag-aaral. Sa tamang pag-iisip, pagsisikap, at wastong hakbang, maaari kang magtagumpay sa negosyong direct selling. Tandaan: Never ever, never ever give up!
Start your own PC direct selling business now! Register na!
One Response
hello po pwede po ba ng ofw po for extra income at pamilya ko jan pinas ang mag benta po at gawin ko lang po mag gawa magpoat sa media po like fb po , i hope po maresponse nio po ang katanungan ko po , para pag lumaga gusyo ko na mag stay in the phillipines po .❣️