Personal Collection, Negosyong Kasosyo sa Pag-asenso

“Lampas isang milyon ang mga utang ko dahil sa pagpapaaral sa mga anak ko. Sa dami ng naniningil, nagka-depression ako. Pero nakabangon ako at nakaahon sa utang dahil sa Personal Collection…”

Erly’s humble beginnings… 

Pitong taon lang si Erlinda “Erly” Payoyo nang pumanaw ang kanyang amang karpintero. Sa murang edad ay kumakayod na siya para makatulong sa inang tindera ng walis. Nagsikap sa pag-aaral si Erly para makaahon sa hirap. Pero ang matinding kahirapan din ang humadlang sa kanyang makapagkolehiyo. Ang dalagitang nangarap magduktor ay naging tindera sa Maynila.  Naging laborer din siya sa isang handicraft factory at dito niya nakilala ang kanyang mister.   

Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Michael, Aileen, at Erwin. Sinikap nilang mag-asawa na pag-aralin ang mga anak para gumanda ang buhay ng mga ito. Pero tila sinusubok ang katatagan ni Erly nang magsara ang pabrikang pinapasukan nilang mag-asawa.  

Ang simula ng pagkakabaon sa utang ni Erly…. 

Para makatulong si Erly sa asawang namasukang welder, siya ay nag-jueteng bet collector, nag-manicure, pedicure, at dishwasher sa catering. Gayunpaman, kapos pa rin sila para mapag-aral ang mga anak. Unti-unti silang nabaon sa utang lalo na nang mag-college ang panganay niya.  

“Yung ibang mayayaman, kahit anong kurso ang gusto ng mga anak nila, kayang-kaya nila, hindi sila uutang. Pero ‘yung mga bata, ayaw mag-aral. Ang mga anak ko, masisipag mag-aral. Kaya hindi pwedeng hindi ko gagawan ng paraan.”

Ang pagpasok ni Erly sa Personal Collection… 

Nag-PC dealer si Erly para dagdag na kita. Trinabaho niya ang kanyang PC negosyo para kumita nang malaki. In just 14 months ay Great Life Executive na siya. Dahil na rin sa matiyagang paggabay ng kanyang upline at mga PC staff. 

“Natutunan ko na kailangan makapal ang mukha sa pagre-recruit. Mahiyain kasi ako dati. Pilit kong nilabanan ‘yon.”

Malaking tulong kina Erly ang kinikita niya sa direct selling business para makabawas sa utang. Pero dahil ‘di biro ang gastos nang mag-college ang kanyang tatlong anak ay napilitan siyang magpatuloy sa pangungutang.  

“Hindi ko naranasan ’yung nag-aral sa kolehiyo kaya kung anu-ano lang ang trabahong pinasok ko. Ayokong mangyari ‘yon sa mga anak ko.”

Ang pagkakabaon ni Erly sa utang para sa pag-aaral ng mga anak… 

Mahal ang kurso ng mga Anak ni Erly, seaman si Michael, Business Administration si Aileen, at Accountancy si Erwin. Pero matatalino sila at pursigido kaya sukdulang ipangutang sila ng patubuan ni Erly huwag lang silang mahinto.  

“Utang dito, utang duon, tubo dito, tubo duon…
Umikot ako sa utang. Puro utang.”

Walang tinatakbuhang utang si Erly kaya madali siyang nakakautang ulit. Napakiusapan siya ng mga kapitbahay na mag-guarantor para makautang din sila sa mga inuutangan niya. Hindi sila nakabayad at si Erly ang hinabol ng mga debtor. Lalo pang nabaon sa utang si Erly.  

Pilit pa ring inilaban ni Erly ang pag-aaral ng mga anak. Hanggang umabot na sa mahigit isang milyon ang utang nila para mapatapos niya ang dalawang anak. Nang magkatrabaho sila ay agad tumulong sa pagbabayad ng kanilang utang. Pero dahil sa patung-patong na interes ay hindi sila makaahon.      

Ang pagharap ni Erly sa depression… 

Sa laki ng problema ni Erly ay dumanas siya ng depression. Hindi siya nakakatulog at laging tulala, nag-aalala sa batas sa hindi nagbabayad ng utang. Kaya napabayaan niya maging ang PC negosyo niya. Ang mag-aama niya ang humaharap sa mga maniningil para maprotektahan ang kanyang mental health.

“Down to earth naman ako, pati mga anak ko. Kaya nu’ng nagkasakit ako, hindi naman ako ginipit ng mga pinagkakautangan ko…”

Samantala, tumigil sa pag-aaral ang bunsong si Erwin para magtrabaho at tumulong sa magulang niya. Labis na sinisi ni Erly ang sarili na nabigo niya ang anak na lalong nagpalala sa kanyang depression.  

Erly’s darkest night of her soul… 

Sa loob ng dalawang buwan ay nagkukulong lang sa bahay si Erly, iniisip kung may nakukulong ba sa utang. Sabi nga ng panganay niya, hindi na lang sana sila pinag-aral ng ina para hindi siya nagkaganon. Pero walang pinagsisihan si Erly kung ang kapalit ay ang magandang kinabukasan nila. 

Naging supportive din kay Erly ang kanyang mga ka-PC. Napapayag siya ng upline niyang kumunsulta sa psychiatrist para malunasan ang lumalala niyang depression. Malaking tulong ito kay Erly. 

Ang pagbabago sa buhay ni Erly dahil sa PC… 

Dahil sa pagmamahal ni Erly sa pamilya ay sinikap niyang harapin ang problema. Ipinagpatuloy niya ang kanyang PC negosyo. Mas sineryoso niya ito dahil seryoso rin ang pinakita nilang malasakit kay Erly.  

Sa PC direct selling business nakasilip ng pag-asa si Erly para makaahon sa utang at sa kahirapan dahil maraming PC dealers ang gumanda ang buhay. Bukod kasi sa high-quality essential PC products ay mas malaki ang kita dito kumpara sa ibang direct selling. Dinoble niya ang kanyang effort every month para mapalago ang kanyang PC negosyo. 

“Kahit katabi kong namamalengke, o katabing pasehero sa jeep, kahit saan, nagbebenta ako, nagre-recruit ako.”

Paano napalago ni Erly ang kanyang PC business… 

Para kay Erly, dapat mag-invest sa negosyo. Huwag madamot sa ’yong mga dealers. Gumagastos siya sa mga pa-challenge at pa-meeting niya para pumatok. Palagi siyang may pa-incentives nang mas ganahan silang magbenta, mag-recruit, at maningil. Tumutulong din siya sa kanyang mga dealers sa negosyo man o personal nilang buhay.

“Lahat ng negosyante kailangang sumugal. Lagi kong iniisip ay ang mas malaking balik sa’kin ng pamumuhunan ko.”

Ang pag-ahon ni Erly sa kahirapan… 

Dahil sa PC ay muling nakabangon si Erly. Unti-unti niyang nabayaran ang kanilang mga utang sa tulong na rin ng kanyang pamilya.

“Sa PC ko talaga kinuha ang pagbabayad ko sa mga utang ko.”

Yung bahay nilang mukha raw haunted house ay kanilang napaayos. May dalawang motor at e-bike na sila. Maganda na ang kalagayan ng kanilang mga anak. Hindi nasayang lahat ng sakripisyo nilang mag-asawa.  

“Hinding-hindi ko ikakahiyang nabaon ako sa utang. Dahil napagtapos ko ng pag-aaral ang mga anak ko at gumanda ang buhay nila.”

Marami pang pangarap para sa kanilang pamilya si Erly. Kaya tuloy-tuloy lang siya sa pagseseryoso sa kanyang PC negosyo para maabot niya ang great life.  

“Talagang napakabuti ng Diyos at pinakilala n’ya sa’kin si PC. Kung walang PC, baka baon pa rin kami sa utang at sa hirap. Napakaswerte namin.”

Gusto mo ba ng pagkakataong umasenso sa buhay? Subukan maging PC dealer! Mag-register na!

SHARE ON:

What are you searching for?

Become a PC Dealer. You can sign up now or try our products first

Get up to 25% discount on all our products!

Find out how you can get this and more!
Join our e-newsletter now!