“Hindi ko akalain na sa edad ko na 65, na isa nang senior citizen, ay pwede ko pa palang matupad ang mga pangarap ko. Hindi pa pala huli ang lahat…”
Si Caridad “Caring” Alcantara ay punung-puno pa rin ng sigla at inspirasyon sa edad na 65. Bukod sa pagiging ulirang maybahay, siya rin ay isang zumba instructor, barangay councilor, at top-performing PC Great Life Executive.
Bago niya narating ang maginhawa nilang pamumuhay ay dumaan din siya sa maraming pagsubok sa buhay na nalampasan niya dahil sa kanyang NENEGU (never ever, never ever give up) spirit.
Humble Beginnings
Tubong Plaridel, Bulacan ang pamilya nina Caring. Pangatlo siya sa walong magkakapatid. Karpintero ang kanilang ama at madalas kapos ang sahod nito sa mga pangangailangan nila. Gayunpaman, tahimik ang kanilang pamumuhay.
Tinitiis sana ni Caring ang singko sentimong baon sa eskwela para makapag-aral lang siya at maihon sa hirap ang pamilya pero pinatigil siya ng kanyang ina nang makatapos siya ng elementary. Ayaw niya na manatiling mahirap kaya nakipagsapalaran siya sa Maynila para makapag-high school. Tumulong siya sa tiyahin sa pagtitinda ng saging para may pambaon siya sa eskwela. Pangarap sana niyang mag-midwifery pero hindi na siya pinayagan ng ina na magkolehiyo gaya ng mga kapatid niya.
Married Life
18 years old si Caring nang ipagkasundo siyang ipakasal ng mga magulang sa lalakeng hindi niya nobyo. “Matandaan” kung tawagin ito sa kanilang lugar. Bagamat nagkaroon sila ng limang anak ay hindi naging maganda ang kanilang pagsasama dahil sa lasenggerong mister. Nagtiis si Caring alang-alang sa kanilang mga anak.
May maliit silang tindahan noon ng lona at para dagdag kita ay nag-direct selling si Caring para na rin makatulong sa mga kapatid na makatapos ng highschool. Maayos sana silang nakakaraos pero lalong nalululong sa alak ang kanyang asawa at maging ang mga paninda niya sa direct selling ay ninanakaw nito para ibili lamang ng alak.
Labis na naapektuhan ang pamumuhay nina Caring dahil sa bisyo ng kayang mister. Napinsala na rin ng alak ang katawan nito sa karamdaman. Hanggang sa nagdesisyon na si Caring na makipaghiwalay sa asawa para protektahan ang kapakanan nilang mag-iina. Gayunpaman, inalagaan pa rin nilang mag-iina ang kanyang dating mister kahit hindi na nila ito kapiling.
Single Motherhood
Itinaguyod ni Caring ang pamumuhay ng kanilang pamilya bilang isang direct seller. Bukod sa pagiging ulirang ina at masigasig na negosyante ay pinasok rin ni Caring ang public service. Sa edad na 34, siya ay naging barangay councilor dahil sadyang nasa puso niya ang pagtulong sa kapwa. Suma-sideline din siya na physical dance instructor para sa dagdag na kita. Hilig rin kasi niya ang pagsasayaw kaya hanggang ngayon ay suma-sideline pa rin siya bilang Zumba Zin. Sa pagsisikap ni Caring ay napagtapos niya ang mga anak at nagkatrabaho nang maayos.
“Yung mga magulang ngayon, ayaw nilang maranasan ng mga anak nila ‘yung naranasan namin dati. Kagaya kaming magkakapatid, hindi kami nakapagtapos. Ang ilap ng asenso. Kaya kailangan ko talagang mapag-aral ang mga anak ko.”
Second Chance at Love
Sa edad na 40 ay muling nakapag-asawa si Caring nang muling tumibok ang kanyang puso sa elementary crush niyang si Frank. Hiwalay rin ito sa asawa at may isang anak, pareho silang brokenhearted ni Caring nang muling nagkita. Answered prayer ni Caring ang pagdating ni Frank sa buhay niya dahil naging mabuti itong asawa sa kanya. Answered prayer din ng biyayaan sila ng Diyos ng anak na babae na lalo pang nagpatibay sa kanilang pagsasama.
Pinagtulungan nilang mag-asawa na palaguin ang itinayo nilang tindahan habang patuloy si Caring sa kanyang negosyong direct selling. Naging magkatuwang sila sa pagtataguyod ng kanilang mga anak at pagtupad ng kanilang mga pangarap.
“Bukod sa mapa-graduate ang mga anak ko, pangarap kong nakabili ng kahit maliit lang na lupa, nakapagpagawa ng bahay, tapos magkaroon kami ng sasakyan.”
Ito ang mga isunulat ni Caring sa kanyang vision board nang maging dealer siya sa PC.
PC Journey
2009 nang unang na-recruit sa PC si Caring bilang dealer para lang pagbigyan ang recruiter niyang kakilala. Dalawang beses siyang na-fall out dahil hindi siya naging active member. Hindi kasi siya naniniwalang pwede talagang kumita nang malaki sa direct selling gaya ng inaalok ng PC. Sa tagal niya sa ibang direct selling ay hindi naman siya yumaman dito kahit anong sipag niya.
Hanggang sa ma-recruit ulit si Caring sa PC noong 2020 sa edad na 61. That time ay mas marami nang products ang PC kaya siya naengganyong maging member ulit. Sinubukan niyang magbenta ng products at mag-recruit ng dealers.
“Sabi kasi sa’kin ng staff, Ma’am Caring, may mga tao ka dito sa branch.
Anlakas, kumuha! Noong sumahod ako, uy anlaki ng sinahod ko!
Sa susunod kako, dadagdagan ko pa! Nangyari nga! Hanggang palaki na nang palaki ang kita ko…”
Napatunayan ni Caring na mas malaki talaga ang pwedeng kitain sa PC kumpara sa ibang direct selling. Nakita niya na sa PC na pwede pang matupad ang mga pangarap kahit ang mga may edad na. Kaya sineryoso niya ang pagpi-PC, hindi lang bilang sideline kundi isang full-time business. Nag-attend din siya ng mga free training ng PC para mas matuto sa negosyong ito.
Never Too Late for a Great Life
Mabilis na napalago ni Caring ang kanyang PC negosyo dahil sa suporta ni Frank sa kanya. Number one customers din niya ang kanyang mga constituents sa barangay, ang grupo na tinuturuan niya ng Zumba, at ang mga dati niyang dealer. Nagsipag siya at inalagaang mabuti kanyang mga downline hanggang maging isa na siya ngayon sa top-earning PC dealers.
Nakapagpatayo si Caring ng malaking bahay, nakabili ng mga lote at sasakyan. Nakapag-travel na din siya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa na hindi niya inasahang mararanasan pa niya sa kanyang edad. At kahit senior citizen na silang mag-asawa ay kumikita pa rin sila at hindi kailangang umasa sa mga anak. Mas may kakayahan na ring tumulong si Caring sa kanyang kapwa at mga mahal sa buhay.
“Senior citizen na ko e, hindi ko inaasahan na pwede pa palang matupad ang mga pangarap ko, na pwede pa pala akong yumaman sa edad kong ‘to.
Pwede ko pa palang marating ang Great Life dahil sa PC!”
Sa PC, walang pinipiling edad para umasenso. Lahat pwedeng magka-Great Life kung gagawin nating misyon ito. Dahil ito rin ang misyon ng PC, Great Life para sa bawat pamilyang Pilipino.
Kaya mapa-GenZ, millennial, boomer, or senior citizen ka man na naghahanap ng legit na negosyong walang puhunan, mag-register na sa PC para simulan ang iyong magandang buhay!
Free registration here: https://register.pcdsi.ph/?campaign_id=1376