Millennials and Gen Z: Find Your Path to Success with Personal Collection

“Bunga ako ng direct selling. Siguro kundi nagnegosyo ang mommy ko, hindi nagbago ang life namin.”  

Former government employee ang mga magulang ni Robertson na sina Sonia at Robert bago sila nag-direct selling. Sa Personal Collection nila natupad ang kanilang pangarap na Great Life. Naging maginhawa ang pamumuhay ng kanilang pamilya at nakapagtapos sina Robertson at ang kanyang dalawang kapatid ng kursong pangarap nila.  

Ang pakikipagsapalaran ni Robertson sa Maynila 

Matapos makamit ang kanyang degree sa entrepreneurship, nakipagsapalaran si Robertson sa Maynila at nag-work sa isang airline company. Dito, nagtrabaho siya bilang ticketing representative sa loob ng dalawang taon at pagkatapos, ay bilang Senior Sales Account Executive naman sa sumunod na pitong taon. Ilang beses siyang kinumbinsi ni Sonia na tumulong na lang sa kanilang dalawang PC branch sa Bicol. Ngunit hindi maiwan ni Robertson ang kanyang trabaho dahil na-enjoy na niya nang husto ang event organizing na parte ng kanyang gawain. Ito ang isa rin sa mga dahilan kung bakit ninais niya na dito na mag-retire.   

Turning point sa buhay ni Robertson 

COVID-19 Pandemic, 2020. Isang taong hindi nakauwi ng Bicol si Robertson at hindi nakapiling ang kanyang pamilya.  

“Ang lungkot pala nang malayo. Marami kang event sa family na nalalampasan.” 

June 2021, nag-decide nang umuwi ng Bicol si Robertson. Habang siya ay work-from-home, pinagbigyan niya ang ina na siya’y bumisita sa kanilang PC branches para mag-observe at tumulong na rin sa negosyo. Hindi niya inaasahang mae-enjoy ang pakikitungo sa mga dealer. Na-inspire siya sa kanilang katatagan na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.  

“Nakaka-inspire marinig ‘yung kwento ng mga dealer na dating labandera, tindera, maid, pero ngayon maayos na ang pamumuhay dahil sa PC.” 

Ang pagpasok ni Robertson sa PC 

July 2021, nang magsabi si Robertson sa inang si Sonia na nais na niyang magpa-register bilang PC dealer. Sobrang saya nito dahil sa wakas ay papasok na sa PC ang panganay niya tulad ng kanilang bunso na si Anna. Excited na sinimulan ni Robertson ang kanyang PC business.  

Pagkatapos ng 3 months, inalok kina Sonia ang PC Daraga branch at lakas-loob na tinanggap ni Robertson ang challenge na i-manage ito. 

“Duon ko na talaga tinodo. Ibinigay na sa’yo lahat, patunayan mo that you are worth it.”  

Paano napalago ni Robertson ang kanyang PC business 

Nagsimula si Robertson na mag-recruit sa mga barangay. Para maging exciting at motivating ang kanyang mga pa-meeting, ginamit niya ang kanyang event organizing skills. Nag-isip siya ng mga pakulo na pumatok naman sa masa. Ipinapaliwanag din nila kung gaano kagandang business ang Personal Collection at igina-guide nilang mabuti ang kanilang mga recruit.  Mabilis na dumami ang kanyang recruits at benta. 

Tinularan din ni Robertson ang mga best practices ng kanyang ina sa pagpapatakbo ng branch gaya ng malasakit sa mga dealer. Kung may challenges silang hinaharap, magkatulong nilang sinusolusyunan ang mga ito.  

“I always listen, compromise, and collaborate.”  

Higit sa lahat, tinatrato niya ang lahat nang may kasamang love and respect.  

Robertson, the Millennial 

Bilang isang Millennial tech-savvy, malaking advantage ito kay Robertson sa pagpapalago ng kanyang PC business. Very helpful ang pagiging maalam niya sa mga bagong technology gaya ng gadgets at social media. Mahusay rin siya sa Canva, video editing, reels, at iba pang social media trends kaya talagang nangibabaw ang kanyang pagiging creative at innovative. 

Patuloy siya sa pag-iisip ng mga makabagong paraan para mapalago pa niya ang kanyang business.  

“Hindi ako natatakot sumubok ng bago at hindi siya tumitigil na matututo.”  

His journey to build a community of Gen Z dealers 

Target ni Robertson na maka-recruit ng Gen Z dealers. Karamihan sa kanila ay interested na magkaroon ng kanilang sariling business sa murang edad. Malaking advantage ang pagiging tech-savvy at immersed nila sa social media dahil mas malaking market ang maaari nilang ma-reach. 

“Nakikita ko how hungry they are to succeed. How they really want to achieve it. Pero gusto nila makuha agad ang reward.”  

Kinakausap niya ang mga ito, na hindi ibig sabihin na kapag nag-register ka ngayon, bukas, mayaman ka na. Kung gusto mong magtagumpay, dapat pagsisikapan mo.  

“I share with them na ito ‘yung sahod ko sa simula. But in just one year in Personal Collection, napantayan ko na ‘yung sahod ko sa dati kong work. Sana pala, nuon ko pa sinimulan.” 

What’s best about Personal Collection 

Naging mas masaya ang buhay ni Robertson sa PC. Hawak niya ang oras niya.  

Walang boss na pupukpok sa kanya at nasa kamay niya ang kanyang future.   

“I call the shots. I make decisions.”  

He can do business on his phone at hindi kailangang magtrabaho buong araw. Kaya nagkaroon siya ng ideal work-life balance. He’s able to do more of what he loves. Mas marami siyang oras sa pamilya at mga kaibigan.  

Naa-appreciate din ni Robertson na hindi lang puro hanapbuhay ang ginagawa niya. It’s about making people happy, guiding them, and changing their lives for the better. Maraming pamilya ang natutulungan niya. Kaya mas lalo pa siyang na-inspire sa pagnenegosyo. At masaya siya na pumasok na rin sa PC ang kapatid nilang si Earl. Full force na ang kanilang pamilya sa PC.  

Ang payo ni Robertson sa mga kabataan… 

“Ang goal mo dapat makapag-negosyo ka after you graduate college. Trust me.  

I’ve been employed. Ginawa ko s’yang passion ko. But when I started doing business, nandun pala ‘yung totoong fulfillment. Mas mae-enjoy mo ‘yung life.” 

At ang Personal Collection business ay isang napakagandang oportunidad para sa mga millennials at Gen Z para maaga nilang masimulan ang pagkamit ng kanilang Great Life.  

Gusto mo ba ng pagkakataong umasenso sa buhay? Subukan maging PC dealer! Mag-register na! 

SHARE ON:

What are you searching for?

Become a PC Dealer. You can sign up now or try our products first

Get up to 25% discount on all our products!

Find out how you can get this and more!
Join our e-newsletter now!