Personal Collection, Ang Negosyong Pwedeng Ipamana

Si Aengeline Serrano, or Aengel, 22 years old, ay anak ng isang yumaong Great Life Executive (GLE) ng Personal Collection na si Evangeline Serrano. Para kay Angel, si Evangeline ay isang masipag, madiskarte at mapagmahal na ina. 

Bago naging PC dealer si Evangeline ay naglalako siya ng unbranded biscuits at kung anu-ano pa, habang salesman sa mall ang kanyang asawa. Madalas kapos sila sa pera at palipat-lipat sila ng inuupahang tirahan kasama ang mga anak na sina Aengel at Princess. Hanggang sa magkaroon sila ng maliit na bahay sa bakuran ng pamilya ng kanilang ama.

The PC Journey of Aengel’s Mother

Taong 2008 nang maging Personal Collection dealer si Evangeline. Sa kanyang kasipagan ay mabilis na lumaki ang kanyang grupo at online negosyo kaya naman na-promote siya bilang isang GLE. Lumuwag ang pamumuhay nina Aengel. Nagkaroon sila ng mga kagamitan sa bahay mula sa PC at maayos silang nakakapag-aral na magkapatid. Nakapagpatayo rin sila ng mas malaking bahay at nakabili ng sasakyan. 

“8 years si mama sa PC, umayos talaga ang buhay namin.
Parang pina-experience sa’min ’yung happy family.”

The First Big Trial In Aengel’s Life

Nung 2014, nagbago ang masayang pamumuhay nina Aengel nang maghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa pangingibang-bahay ng kanyang ama. 

“Nagalit ako sa papa ko nu’ng hindi n’ya kami pinili.
Okay na ‘yung life namin e. Why did he do that?”

Naging coping mechanism ni Aengel ang pag-aaral nang mabuti. Samantala, mas pinagbuti ni Evangeline ang negosyong PC para mabigyan niya ng magandang buhay ang mga anak. 

A New Member in Aengel’s Family

Muling nakatagpo ang ina ni Aengel ng lalakeng magmamahal sa kanya. Masaya ang magkapatid para kay Evangeline. Lumipas ang taon ay nagbunga ang pagmamahalan nila. Super happy and excited sila na magkakaroon na ng baby boy sa kanilang tahanan. 

Aengel’s Biggest Trial

Muling sinubok sina Aengel at Princess dahil sa pagpanaw ng kanilang ina bago pa man nito maisilang ang sanggol sanhi ng kanyang maselang pagbubuntis. 

“It felt so unfair. Masakit kasi ‘yung hindi ka pinili ng sarili mong ama.
Nawala pa ‘yung mama mo.”

Kaysa makitira sila sa mga kamag-anak o sa kanilang ama, mas pinili ni Aengel na manatili sila sa bahay nila. Kahit pa nga naubos ang mga gamit nila sa bahay nang hakutin ito ng mga kaanak ni Evangeline. Kinuha naman ng ama ni Aengel ang napundar na kotse ng kanilang ina. Sa murang edad, naatang na sa balikat ni Aengel ang buhay nilang magkapatid.

“Hindi naman namin kaya ng kapatid ko na pumunta sa tatay namin after everything that had happened.”

Rays of Hope through PC

Nakasilip ng pag-asa ang magkapatid nang napag-alaman nilang posible palang manahin ni Aengel ang pagiging GLE ng kanyang ina kapag siya ay nasa tamang edad na. Sa tulong at malasakit ng mga dealer ni Evangeline ay napanatili nilang active ang kanilang grupo habang hinihintay si Angel na humalili sa posisyon ng kanyang ina. 

“Parang alam ni mama na mawawala s’ya. Before mangyari ‘yon, ‘yung ATM, binigay na n’ya kay tita (PC dealer). Yung nag-asikaso ng mga gamit at papeles sa PC. ‘Yung password n’ya, binigay na n’ya sa’min.”

Ang mga downline din ni Evangeline ang tumayong ina sa mga anak nito bilang sukli sa kanyang mga kabutihan nuong ito ay nabububuhay pa. Kaya ganuon na lang ang pasasalamat sa kanila at sa PC nina Aengel at Princess.  

“Hindi ko talaga alam no’n e kung pa’no kami ng kapatid ko.
Nag-survive kami dahil sa PC.”

Wala mang naiwang yaman sa mga anak si Evangeline, pero higit pa rito ang kanyang pamana. Ang PC, isang negosyong maliit ang puhunan, laging patok, at lalong lumalago habang patuloy na pinagyayaman, na-secure niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak. And her legacy lives on. 

Healing and Growth

Nakapagtapos si Aengel sa Junior High School bilang valedictorian kaya naman ipinagpatuloy niya ang pag-aaral nang mabuti sa Senior High School bilang scholar. Pero sa kabila ng kanyang mga achievements, pakiramdam niya ay mayroon pa ring kulang. 

September 2018 nang mapadpad siya sa isang youth service sa Victory Church sa U-belt kung saan nakahanap at nakaramdam siya ng bagong pag-asa at healing. 

“Yung healing at ‘yung joy na hinahanap natin, may pangalan daw. And ‘yung last statement ni Pastor, Jesus is the opposite of the absentee father. Sapol ako.”

Napatawad ni Aengel ang kanyang ama at naging mas matibay ang bond nilang magkapatid. Napatunayan niyang sa kabila ng lahat ng trahedya sa buhay niya ay mahal siya ng Diyos. At ang pinakamalaking blessing sa buhay niya ay ang kanilang PC family. Kaya ipangako niya sa sarili na kapag nasa tamang edad na siya ay buong puso niyang yayakapin ang responsibilidad ng isang PC dealer. 

Angel’s Next Biggest Trial in Life: The Pandemic

Nagdaan ang COVID-19 pandemic at dahil dito, naudlot ang mga plano sa buhay ni Aengel nang mag-lockdown. Nag-aalala siya na baka mawala na ang PC. Kaya nagtrabaho siya sa BPO habang nag-aaral ng kursong BS in Linguistics sa PUP. 

“I was anxious that time. Anong gagawin namin?
God proved me wrong pa rin na hindi ko kailangang magmadali.”

Rising Through Challenges

Nanatiling matatag ang PC kahit may pandemya at hindi bumitaw ang mga dealer ni Evangeline. Hanggang sa dumating na pinakahihintay na panahon ni Aengel, tuluyan na niyang minana ang pagiging Great Life Executive ng ina. 

“Gusto kong magpatuloy sa PC. Ayokong masayang ‘yung sinimulan ni mama.
And more than the business, ‘yung mga tao, hindi lang sila co-workers.
Family sila. Inalagaan nila kami kahit hindi namin sila kaanu-ano. So, I want to give back.”

Aengel as a Gen-Z Great Life Executive

Habang nag-aaral at nagtatrabaho, sinikap ni Aengel na maglaan ng oras sa PC. Nakatulong sa pagiging GLE niya ang pagka-idealistic nilang mga GEN Z at ang kaalaman nila sa teknolohiya. Advantage din niya ang pag-reach out sa mga customers na kaedad niya. Sa gabay ng ibang mga GLE, unti-unti niyang nagagamay ang negosyo. 

“Whenever I commit mistakes, andiyan sila to support me.”

Looking Ahead

Ngayong October 2024, magtatapos si Aengel sa kolehiyo bilang summa cum laude. Labis ang pasasalamat niya sa kanyang PC family. 

“God put me here for a reason. ‘Yung makatulong din sa ibang tao.
I want to fulfill that.”

After graduation, nais mag-focus ni Aengel sa PC para masuklian at para makita kung hanggang saan siya kayang dalhin ng negosyong ito. Naniniwala siya na ito’y patungong Great Life para sa kanilang magkapatid. 

Gusto mo ba ng pagkakataong umasenso sa buhay? Subukan maging PC dealer! Mag-register na!

SHARE ON:

What are you searching for?

Become a PC Dealer. You can sign up now or try our products first

Get up to 25% discount on all our products!

Find out how you can get this and more!
Join our e-newsletter now!