Sa panahon ngayon, hindi na bago ang pagkakaroon ng negosyo lalo na para sa mga housewife at estudyante. Madalas iniisip ng mga maybahay at mag-aaral na mahirap maghanap ng trabaho dahil may mas importante silang priority – ang pamilya o ang pag-aaral. Subalit, posible pa rin na bigyang prayoridad ang pamilya at pag-aaral habang pinapatakbo ang sariling negosyo. Kayo na mismo ang gumawa ng sarili ninyong job opportunity at magbukas ng sarili ninyong home-based business!
Ang pagkakaroon ng dagdag na kita ay malaking tulong hindi lamang para sa personal na pangangailangan kundi pati na rin sa pagtustos sa mga pangarap para sa pamilya o pag-aaral. Kaya pag-aralan natin ang ilang mga paraan para kumita nang extra! Narito ang ilang ideya kung paano ka makakapagsimula, hatid sa inyo ng Personal Collection!
1. Mag-umpisa ng Direct Selling Business sa Personal Collection
Isa sa pinakamadaling paraan para kumita nang extra ay sa pamamagitan ng pag-umpisa ng direct selling business. Ang direct selling ay isang business model kung saan personal kang magbebenta ng mga produkto o serbisyo sa iyong mga customer. Ang mga negosyanteng tulad mo ay aktibo sa pag-aalok ng inyong mga produkto sa sariling pamamaraan at diskarte tulad ng house-to-house visits, online selling, at iba pa.
Maaari mong maging partner ang Personal Collection (PC) para dito. Ang Personal Collection Direct Selling, Inc. ay isang authorized member ng Direct Selling Association of the Philippines (DSAP) at isang magandang direct selling example. Nagsimula ang PC noong 2003 at ngayon ay may higit na isandaang produktong panlinis ng bahay, panlaba, personal care, baby care, at marami pang iba. Lahat ng world-class products na ito ay binibenta ng mga libu-libong PC dealers sa buong Pilipinas.
Hindi mo na kailangang mag-alala sa malaking puhunan dahil sa PC, pwede kang magsimula agad-agad. Libre lang ang pagrehistro at makakakuha ka agad ng hanggang 25% discount sa lahat ng produkto. Bukod pa rito, nagbibigay ang PC ng training at suporta para sa kanilang mga dealers upang mas mapalago pa ang iyong negosyo. Kapag masipag kang PC dealer, maari kang kumita tulad ng isang manager!
Kaya kung interesado kang magsimula ng direct selling business, mag-register na bilang PC dealer!
2. Maging Home-Based Online Tutor
Para sa mga mommies na tumutulong sa kanilang mga anak sa kanilang assignments o para sa mga estudyante na magaling sa partikular na subject, maaari kayong mag-alok ng online tutoring services. Maaari mo itong gawin pagkatapos ng klase o sa weekends. Pwede ring mga taga-ibang bansa ang turuan mo! Maraming naghahanap ng English tutors o nangangailangan ng tulong sa pagsulat ng mga sanaysay o essays nila sa English. Kaya subukan mo na ang online tutoring! Magandang paraan ito para kumita at higit sa lahat ay nakakatulong din ito sa paghasa ng iyong kaalaman at kasanayan.
3. Magbenta ng Handmade Crafts at Products
Mahilig ka bang gumawa ng mga handmade items tulad ng alahas, keychains, o anumang crafts? Bakit hindi mo ito gawing negosyo? Marami ang naghahanap ng personal at unique na regalo para sa kanilang mahal sa buhay. Dahil sa mga online sellers, madali at mura lang mag-order ng mga materyales para sa bago mong negosyo. Madali rin ibenta dahil may e-commerce sites na tulad ng Etsy, Shopee, Tiktok, at iba pa. Pwede mo ring gamitin ang mga social media platforms tulad ng Facebook at Instagram para ipakita pa lalo ang iyong mga gawa. Kung marami kang mga followers, baka makakuha ka pa ng sponsors, na isa ring paraan para kumita ng extra!
4. Maging Freelance Writer o Graphic Designer
Kung may talento ka sa pagsusulat o graphic design, maraming opportunities online na maaari mong pagkakitaan. Maraming websites at kompanya ang naghahanap ng freelance services para sa kanilang content needs tulad ng social media captions, scriptwriting, copywriting, at iba pa kung manunulat ka. Kung graphic designer ka naman, maaari kang kumita sa paggawa ng infographics, brochure, logo design, web pages, print at video ads, at marami pang iba.
5. Magtayo ng Munting Tindahan o Sari-Sari Store
Para sa mga housewife na mayroong kaunting puhunan, ang pagtayo ng munting tindahan sa harap ng bahay ay isa ring magandang small business idea. Maaari itong magsimula sa pagbebenta ng mga pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, inumin, school supplies, at iba pa. Pwede mong ibenta ang mga Personal Collection products sa sari-sari store mo!
Mahalagang tandaan na ang pagsisimula ng sariling negosyo ay hindi lamang para sa karagdagang kita, kundi isang hakbang din patungo sa paglago ng ating personal na kakayahan at sa pag-abot ng ating mga pangarap. Maraming job opportunity ang naghihintay para sa mga housewife at estudyante na nagnanais magtaguyod ng kanilang sariling negosyo.
Sa tulong ng Personal Collection at iba pang available resources, maaari kang lumikha ng positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personal na buhay kundi pati na rin sa komunidad.
Ang bawat malaking tagumpay ay nagsisimula sa isang simpleng hakbang. Kaya gawin ang unang hakbang ngayon, dahil kasama ang Personal Collection, sama-sama nating harapin ang mga hamon at yakapin ang mga pagkakataong magbukas ng mga pintuan patungo sa isang masaganang kinabukasang pinapangarap natin para sa ating sarili at para sa ating mga mahal sa buhay!
Handa ka na bang mag-umpisa ng PC negosyo? Mag-register na bilang PC dealer!